Back

UNTV News and Rescue

4:10
Politics

Ex-Sen. Revilla at 6 DPWH officials, sinampahan ng malversation at graft charges sa Sandiganbayan

January 17, 2026 1:31 AM
PST

May panibagong kaso na isinampa sa korte ng Office of the Ombudsman kaugnay ng flood control scandal.

Sa pagkakataong ito, isang dating senador ang kabilang sa mga kinasuhan.

2:34
Politics

Trabaho ng ICI, matatapos na; kapalaran ng independent body, depende sa natitira pang gagawin - PBBM

January 17, 2026 12:26 AM
PST

Malapit nang matapos ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure. Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin tungkol sa isyu ng posibleng pagbuwag sa ICI.

Ayon sa Pangulo, nakasalalay sa mga natitira pang gawain ang magiging kapalaran ng independent body. Wala rin umanong katiyakan kung magtatalaga pa ng kapalit sa mga nagbitiw na commissioner nito.

2:27
Politics

Atong Ang, may panibagong warrant of arrest mula sa korte sa Lipa City

January 17, 2026 12:26 AM
PST

May panibagong warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie Atong Ang na inilabas ng isang korte sa Batangas.

Kaugnay pa rin ito ng mga kasong kinakaharap niya sa isyu ng mga nawawalang sabungero.

Inaabangan na rin ng Department of Justice ang paglalabas ng mga arrest warrant mula sa iba pang korte.

4:48
Politics

Mga akusadong hawak ng CIDG, nadagdagan pa; 3 pang pulis, naaresto

January 17, 2026 12:23 AM
PST

Nadagdagan pa ang mga akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero na hawak ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group.

Binigyan na rin ng deadline ng PNP si Charlie Atong Ang upang isuko ang kanyang mga armas.

3:06
Politics

NUP, pinag-iisipan nang hilinging patalsikin sa Kamara si suspended Cavite Rep. Barzaga

January 17, 2026 12:22 AM
PST

Pinag-iisipan na ng National Unity Party o NUP na hilingin sa Kamara ang tuluyang expulsion o pagpapatalsik kay Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.

Ayon naman sa suspendidong mambabatas, hindi siya ang pinakamalaking problema ng institusyon sa ngayon.