Malapit nang matapos ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure. Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin tungkol sa isyu ng posibleng pagbuwag sa ICI.
Ayon sa Pangulo, nakasalalay sa mga natitira pang gawain ang magiging kapalaran ng independent body. Wala rin umanong katiyakan kung magtatalaga pa ng kapalit sa mga nagbitiw na commissioner nito.






















