May panibagong warrant of arrest laban sa negosyanteng si Charlie Atong Ang na inilabas ng isang korte sa Batangas.
Kaugnay pa rin ito ng mga kasong kinakaharap niya sa isyu ng mga nawawalang sabungero.
Inaabangan na rin ng Department of Justice ang paglalabas ng mga arrest warrant mula sa iba pang korte.






















