Nanawagan ang mga health experts, grupo ng mga pasyente, at ilang mga mambabatas na palawigin ang benefit package ng Philippine Health Insurance Corporation para sa lung cancer.
Ayon sa Chairman ng Lung Health Alliance of the Philippines o LungHAP, ang lung cancer ay hindi na lamang isang isyu sa kalusugan kundi ito'y nangungunang dahilan ng pagkasawi sa mga may cancer sa Pilipinas.






















