Kinuwestiyon ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang aniya’y patingi-tinging video ni Zaldy Co kaugnay ng anomalya sa budget at umano’y kickback system sa flood control projects ng pamahalaan.
Hangga’t hindi humaharap sa mga awtoridad si Zaldy Co, hindi maiiwasang pagdudahan ang layunin nito ayon kay Rep. de Lima.






















