Naniniwala ang political analyst na si Professor Dennis Coronacion ng University of Santo Tomas na posibleng makita sa susunod na taon ang hindi magandang epekto sa ekonomiya ng isyu ng korapsyon sa gobyerno.
Ayon sa political science professor, maaaring bumaba ang credit rating ng bansa dahil dito, bagaman sa kasalukuyan ay mataas pa naman aniya ang credit rating ng bansa na nasa investment grade.






















