Back

UNTV News and Rescue

3:16
Politics

Planong pagpapababa ng US health care cost, inilatag ni Pres. Trump

January 17, 2026 1:30 AM
PST

Inilunsad ni US President Donald Trump ang isang bagong health care plan na layong pababain ang presyo ng mga gamot at direktang ilipat ang subsidiya sa mga mamamayan.

Ayon sa Pangulo, nakatuon ang plano sa pagbibigay-prayoridad sa taumbayan sa halip na sa malalaking insurance company at mga special interest.

1:27
Politics

Insurrection law, nais ipatupad ni Trump sa Minnesota

January 17, 2026 1:30 AM
PST

Nagbabala si US President Donald Trump na maaari niyang ipatupad ang Insurrection Act sa lungsod ng Minneapolis, Minnesota, upang magpadala ng mga militar kaugnay ng patuloy na kilos-protesta laban sa immigration crackdown.

Ayon sa Pangulo, gagamitin ang naturang hakbang kung hindi mapipigilan ang kaguluhan sa nasabing lungsod.

4:08
Weather & Environment

Nasa 3,000 indibidwal na nasa flood at lahar prone area sa Daraga, Albay, inililikas na rin

January 17, 2026 1:30 AM
PST

Inililikas na ng lokal na pamahalaan ng Daraga ang mga residente sa flood at lahar prone areas bilang paghahanda sa posibleng paglala ng sitwasyon dahil sa Bagyong Ada.

Samantala, inirerekomenda na rin ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay, kasama ang Disaster Management Council, na isailalim sa state of calamity ang mga barangay na maaaring maapektuhan ng pinsala ng Bulkang Mayon at ng paparating na bagyo.

5:09
Politics

ICC, naninigurado sa pangangalap pa ng ebidensya sa kaso ni FPRRD – Atty. Conti

January 19, 2026 12:59 PM
PST

Naninigurado lamang umano ang International Criminal Court  (ICC) sa patuloy na pangangalap ng ebidensya sa kaso ni former President Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ng Assistant to Counsel sa kasong nakasampa sa ICC sa gitna ng patuloy na imbestigasyon ng International Tribunal.

4:22
Politics

Dating CIDG Chief, ipinatatanggal sa serbisyo ng NAPOLCOM

January 17, 2026 1:30 AM
PST

May rekomendasyon na ang National Police Commission (NAPOLCOM) na tanggalin sa serbisyo si dating Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Chief BGen. Romeo Macapaz dahil sa umano’y pamemeke ng ebidensya sa kaso ng missing sabungeros.

11 pang pulis na sangkot sa kaso ang tuluyan nang tinanggal sa serbisyo.