Inililikas na ng lokal na pamahalaan ng Daraga ang mga residente sa flood at lahar prone areas bilang paghahanda sa posibleng paglala ng sitwasyon dahil sa Bagyong Ada.
Samantala, inirerekomenda na rin ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay, kasama ang Disaster Management Council, na isailalim sa state of calamity ang mga barangay na maaaring maapektuhan ng pinsala ng Bulkang Mayon at ng paparating na bagyo.























