
Ipinahayag ni Canadian Prime Minister Mark Carney na kahit tinanggap niya ang imbitasyon ni US President Donald Trump na sumali sa “board of peace” upang subaybayan ang mga susunod na hakbang sa Gaza, hindi pa rin siya tiyak sa layunin ng isang bilyong dolyar na bayad para sa pagiging miyembro.

Pinangunahan ni Mayor Gretchen Stephanie M. Espina, kasama si Biliran Electric Cooperative General Manager Engr. Gerardo Oledan, ang isang pulong kasama ang mga internet service provider. Ito ay upang tugunan ang lumalalang problema ng sabit-sabit at magulong mga kable sa buong bayan.

Sinuspinde ng pamunuan ng Camp John Hay ang libreng e-shuttle service at nag-utos ng masusing safety review matapos ang aksidenteng nangyari noong Enero 16 na ikinasawi ng isang indibidwal at ikinasugat ng anim na iba pa.

Prayoridad ng Philippine Coast Guard na bantayan at protektahan ang bagong nadiskubreng gas reserve sa silangan ng Malampaya gas field sa bahagi ng West Philippine Sea malapit sa Palawan. Dahil dito, nag-utos ang pamunuan ng PCG na i-realign ang mga asset nito upang mas makatutok sa pagbabantay sa nasabing lugar.

Naniniwala ang presidente ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino na si Atty. Luke Espiritu na sarsuwela o laro lamang ang ginagawang pagdinig ng Senado sa maanomalyang flood control projects. Hindi aniya sinsero ang imbestigasyon dahil mismong mga miyembro ng kanilang kapulungan ang sangkot.