Prayoridad ng Philippine Coast Guard na bantayan at protektahan ang bagong nadiskubreng gas reserve sa silangan ng Malampaya gas field sa bahagi ng West Philippine Sea malapit sa Palawan. Dahil dito, nag-utos ang pamunuan ng PCG na i-realign ang mga asset nito upang mas makatutok sa pagbabantay sa nasabing lugar.






















