
Peke ang gamit na plaka at hindi pa rehistrado sa Land Transportation Office ang Ferrari na nakuha sa parking lot ng condominium unit ni dating Ako Bicol Party list Rep. Zaldy Co. Base sa isinawagang validation ng Philippine National Police Highway Patrol Group, ang plaka ay nakapangalan sa ibang indibidwal na may kaparehong model ng sasakyan.

Itinuturing nang loose firearms ng Firearms and Explosives Office ang 6 na armas ng negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang. Kasunod ito ng kanselasyon ng kanyang license to own and possess firearms at firearms registration noong nakaraang linggo.

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na maaari pa ring matanggap bilang state witnesses ang ilan pang testigo sa flood control projects sa iba pang kaso.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na sumuko sa PNP National Headquarters sa Camp Crame si dating Senator Bong Revilla Jr. kasama ang kaniyang asawa at anak.

Hindi mahaharang ng anak na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos ang reklamong impeachment laban sa amang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ay kahit ang nakababatang Marcos ang tagapanguna sa House Committee on Rules.