Naniniwala ang presidente ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino na si Atty. Luke Espiritu na sarsuwela o laro lamang ang ginagawang pagdinig ng Senado sa maanomalyang flood control projects. Hindi aniya sinsero ang imbestigasyon dahil mismong mga miyembro ng kanilang kapulungan ang sangkot.






















