
Hindi inaalis ng Department of the Interior and Local Government ang posibilidad na may tumutulong sa pagtatago ni Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, may mga kaibigan umano si Ang na mga retiradong heneral, bukod pa sa ilang aktibong pulis na naging security aides nito.

Sa basurahan ang bagsak ng minority report kaugnay ng umano’y flood control scandal.
Ito ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, kasunod ng paglalabas ng dokumento ng ilang miyembro ng Minority Bloc.

Nananatiling bukas ang Senate Blue Ribbon Committee sa posibleng pagdalo ni House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa pagdinig ng komite.
Ito ang inihayag ni Sen. Risa Hontiveros sa pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay ng mga umano’y maanomalyang flood control projects.
Hinamon din ng senadora ang contractor na si Curlee Discaya kung nais nitong mapasailalim sa Witness Protection Program.
Nagbigay rin siya ng reaksiyon sa pagtanggi ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa paratang na tumanggap umano ito ng kickback.

Nagpahiwatig na umano ng kagustuhang sumuko si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co matapos ang ilang buwang pagtatago sa ibang bansa.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, ang impormasyong ito ay nagmula sa ilang malalapit na kaibigan ng dating mambabatas.

Wala na sa poder ng Senado si dating Department of Public Works and Highways Bulacan 1st District Engr. Henry Alcantara.