Nananatiling bukas ang Senate Blue Ribbon Committee sa posibleng pagdalo ni House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa pagdinig ng komite.
Ito ang inihayag ni Sen. Risa Hontiveros sa pagpapatuloy ng imbestigasyon kaugnay ng mga umano’y maanomalyang flood control projects.
Hinamon din ng senadora ang contractor na si Curlee Discaya kung nais nitong mapasailalim sa Witness Protection Program.
Nagbigay rin siya ng reaksiyon sa pagtanggi ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan sa paratang na tumanggap umano ito ng kickback.





















