Hindi inaalis ng Department of the Interior and Local Government ang posibilidad na may tumutulong sa pagtatago ni Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, may mga kaibigan umano si Ang na mga retiradong heneral, bukod pa sa ilang aktibong pulis na naging security aides nito.






















