
Tumestigo sa Sandiganbayan si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor laban sa mga opisyal ng DPWH MIMAROPA na sinampahan ng kaso kaugnay ng umano’y substandard na flood control project sa Naujan.
Ayon sa gobernador, naging tapat siya sa bawat ibinahaging testimonya sa korte.

Idineklarang 'insufficient in substance' ng House Justice Committee ang reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaya inaasahan ang posibleng dismissal nito.

Pinag-aaralan na ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang mga kasong isasampa laban sa mga nagpakalat ng pekeng medical bulletin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa social media.
Ayon kay PNP-ACG Director Police Brigadier General Wilson Asueta, tinitiyak nila na may mananagot sa pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng kondisyon ng Pangulo.

Hindi nakakatulong sa ekonomiya ng bansa ang impeachment complaints laban sa dalawang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas dahil may negatibong epekto ito sa kumpiyansa ng investors, ayon sa isang grupo ng mga negosyante.
Para sa grupo, upang masolusyunan ang mga hamong kinakaharap ng bansa, lalo na sa ekonomiya, kailangang ituon ng pamahalaan ang pansin sa pagpapasigla ng negosyo upang makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.

- ‘Sufficiency in substance’ ng ikalawang impeachment vs PBBM, tinatalakay sa Kamara
- 6 na ethics complaints laban sa ilang senador, sinimulan nang talakayin sa Senado
- Sen. Erwin Tulfo, aapela sa kapwa senador na itigil muna ang pagpapatutsada sa Chinese Embassy sa Ph