Hindi nakakatulong sa ekonomiya ng bansa ang impeachment complaints laban sa dalawang pinakamataas na opisyal ng Pilipinas dahil may negatibong epekto ito sa kumpiyansa ng investors, ayon sa isang grupo ng mga negosyante.
Para sa grupo, upang masolusyunan ang mga hamong kinakaharap ng bansa, lalo na sa ekonomiya, kailangang ituon ng pamahalaan ang pansin sa pagpapasigla ng negosyo upang makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.






















