Pinag-aaralan na ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang mga kasong isasampa laban sa mga nagpakalat ng pekeng medical bulletin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa social media.
Ayon kay PNP-ACG Director Police Brigadier General Wilson Asueta, tinitiyak nila na may mananagot sa pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng kondisyon ng Pangulo.






















