Back

UNTV News and Rescue

2:38
Politics

Pitong Democrats, kumampi sa Republicans para sa pagbubukas ng pamahalaan

November 12, 2025 3:23 AM
PST

Pasado na sa US Senate ang funding bill matapos bumaliktad ang 7 Democratic senators at bumoto kasama ang karamihan ng Republican senators.

Kasunod nito, pinabilis ni Speaker Mike Johnson ang pagbabalik ng US congressmen sa Washington, DC upang ipasa ang bill na magtatapos sa pinakamatagal na government shutdown sa kasaysayan ng Amerika.

4:17
Politics

PNP, handa sa posibleng pagdagsa ng ibang grupo sa darating na rally ng isang religious group

November 12, 2025 3:23 AM
PST

Tapos na ang security plan ng Philippine National Police para sa 3 araw na rally ng isang religious group sa Maynila.

Kasama rito ang paghahanda sakaling may ibang grupo na sumali o makihalo sa aktibidad.

2:25
Politics

Listahan ng umano’y sangkot sa destabilisasyon, iniimbestigahan na – Malacañang

November 11, 2025 8:07 PM
PST

Kumalat kamakailan sa social media ang isang listahan ng mga indibidwal na umano’y nasa likod ng tangkang destabilisasyon laban sa gobyerno.

Kabilang sa mga nabanggit ang isang alkalde na kilala sa kanyang pagiging vocal sa pagtuligsa sa mga umano’y anomalya at korapsyon.

Ayon sa Malacañang, bagama’t bahagi ito ng kalayaan sa pagpapahayag, kailangan pa ring imbestigahan ang naturang listahan.

5:02
Weather & Environment

Ilang residente sa Ilagan City, Isabela, nagpalipas ng magdamag sa gilid ng kalsada

November 12, 2025 10:29 AM
PST

Ilang residente sa Ilagan City, Isabela ang kinailangang magpalipas ng gabi sa gilid ng kalsada dahil sa baha.

Unti-unti na ring humuhupa ang tubig sa mga binahang lugar sa lalawigan.

1:25
Politics

PBBM, ayaw na umaalis ng bansa ang mga opisyal tuwing may kalamidad – Palace

November 11, 2025 8:05 PM
PST

Ayaw umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umaalis ng bansa ang mga opisyal ng pamahalaan kapag may nagbabantang sakuna o kalamidad.

Samantala, ipinauubaya na ng Palasyo sa Department of the Interior and Local Government ang imbestigasyon sa mga lokal na opisyal na bumiyahe sa ibang bansa habang nananalasa ang Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan.