
Hindi biro ang pinsalang iniwan ng Bagyong Uwan sa mga taniman ng gulay sa Nueva Ecija.
Maraming magsasaka ang nawalan ng kabuhayan matapos tuluyang malubog sa tubig-baha ang kanilang mga pananim.
Hiling nila ngayon sa pamahalaan ang agarang tulong at puhunan upang muling makapagsimula at mabawi ang malaking pagkaluging dulot ng kalamidad.

Lubog pa rin sa tubig-baha ang malaking bahagi ng Tuguegarao City matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.
Samantala, pansamantalang isinara sa publiko ang Buntun Bridge dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Cagayan River.

Personal na binisita ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang nasirang floodgate ng Paco Pumping Station sa Maynila.
Inatasan niya ang mga tauhan ng DPWH na pabilisin ang pagkukumpuni ng floodgate matapos bahain ang ilang barangay na sakop ng pumping station.
Kasabay nito, ipinag-utos din ng kalihim ang imbestigasyon upang matukoy kung ano ang naging sanhi ng pagkasira ng pasilidad.

- Casualty sa nagdaang malalakas na bagyo, isinisisi ng isang senador sa malawakang korapsyon
- Mga nasawi dahil sa Bagyong Tino at Uwan, patuloy na nadaragdagan
- Pananalasa ng Bagyong Uwan, na may international name na Fung-Wong sa Taiwan, pinaghahandaan na

Nakakaranas na ngayon ang Iran, lalo na ang kabisera nitong Tehran, ng hindi pangkaraniwang tagtuyot.
Kasunod ito ng kawalan ng ulan sa bansa, dahilan para maubos ang laman ng kanilang mga reservoir.