Itinanggi ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na target ng inihain nitong panukalang batas na ‘no work, no pay’ sa Kongreso ang sinumang partikular na mambabatas.
Aniya, layon ng House bill na matugunan ang matagal ng isyu ng pagiging pala-absent ng ilang kongresista o senador na nakaaapekto aniya sa proseso ng paggawa ng batas.






















