
Magsasampa ng kaso ang Department of Public Works and Highways o DPWH laban sa government contractor na Hi-Tone Construction and Development Corporation.
Bunsod ito ng kabiguan ng kumpanyang ayusin ang nasirang bahagi ng Navotas City coastal dike noong isang taon.

Suspendido muna simula kahapon ang biyahe ng Philippine National Railways o PNR mula Naga hanggang Legazpi.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ang Department of Transportation o DOTr ng assessment at repair works.

Umabot na sa 232 ang naiulat na nasawi, habang 112 naman ang nawawala dahil sa pananalasa ng Bagyong Tino sa Visayas.
Pinakamaraming nasawi sa lalawigan ng Cebu, na sinundan ng Negros Islands, Agusan del Sur, Capiz, Dinagat Island, at Southern Leyte.

Mula sa 2 kahapon, umabot na sa 6 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Uwan.

Hindi lubos maisip ng ilang residente ng Aurora Province kung paano sila babangon sa pinsalang idinulot sa kanila ng Bagyong Uwan.
Ngunit ang pamahalaang panlalawigan ay nangakong tutulong para mabilis na maitayo ang mga nasirang bahay sa lalawigan.