
Ramdam na ng ilang maliliit na negosyante ang pagtaas sa presyo ng kuryente at ilan pang pangunahing bilihin.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ilan ito sa dahilan kaya umakyat sa 2% ang inflation rate ng bansa nitong January 2026.

Kinumpirma ng Iran at Estados Unidos na tuloy na ang nuclear talks sa Oman ngayong linggo, sa kabila ng mga ulat na muntik nang mabasura ang negosasyon dahil sa hindi pagkakasundo sa format at lugar ng pulong.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, nakatakda ang pag-uusap sa Biyernes sa Muscat, habang pinagtibay din ng White House na dadalo ang panig ng Amerika sa pulong.

Palalakasin ng Philippine Navy ang pangangalaga at proteksyon sa Tubbataha Reef sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang naval monitoring station.
Ito ang nakapaloob sa kasunduang nilagdaan ng Western Naval Command at Tubbataha Management Office.

Naghain ng apela si Tetsuya Yamagami matapos siyang hatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa pagpaslang kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong 2022 habang nangangampanya ito sa Nara.
Ayon sa korte, rerepasuhin ng Osaka High Court ang kanyang kaso upang alamin kung may magiging pagbabago sa naging hatol kasunod ng inihaing apela.

Lalo pang pinagtibay ng Russia at China ang kanilang matatag na alyansa sa gitna ng lumalalang tensyon sa pandaigdigang politika.
Sa isang video call, iginiit ng dalawang lider na nagsisilbing stabilizing force ang kanilang samahan sa harap ng kaguluhan at alitan sa iba’t ibang panig ng mundo.