Kinumpirma ng Iran at Estados Unidos na tuloy na ang nuclear talks sa Oman ngayong linggo, sa kabila ng mga ulat na muntik nang mabasura ang negosasyon dahil sa hindi pagkakasundo sa format at lugar ng pulong.
Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi, nakatakda ang pag-uusap sa Biyernes sa Muscat, habang pinagtibay din ng White House na dadalo ang panig ng Amerika sa pulong.






















