
Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang programa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ngayong araw.
Ito ang unang public event ng pangulo sa labas ng Malacañang mula nang inanunsyo na siya ay may sakit na diverticulitis.
Isa rin sa personal na dinaluhan ng pangulo ang Philippine Telco Summit 2026 sa Pasay City.

Nagsimula na ngayong araw ang paghahain ng certificate of candidacy sa 2nd District ng Antipolo City para sa gagawing special election sa Marso.
Samantala, malaki pa ang kakulangan sa pondo para sa pagdaraos ng eleksyon.

Awa ang naramdaman ng isang mambabatas para kay Cavite Cong. Kiko Barzaga matapos itong muling suspindihin ng Kongreso kahapon.
Ngunit para kay Cong. Barzaga, sa ibang usapin dapat ituon ang awa at hindi sa kanya.

Hindi na umaasa ang mga endorser ng reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na uusad pa ang proseso ng impeachment sa Kamara.
Giit pa ng mga ito, pinakilos umano ang mayorya ng mga miyembro ng House upang proteksyunan ang pangulo.

Kilala na ng mga awtoridad ang mastermind at financier ng iligal na pagawaan ng sigarilyo sa Mexico, Pampanga.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, aabot sa P4.5-B ang halaga ng mga sigarilyong napo-produce sa pabrika sa loob lamang ng isang buwan.