Naghain ng apela si Tetsuya Yamagami matapos siyang hatulan ng habambuhay na pagkakakulong sa pagpaslang kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong 2022 habang nangangampanya ito sa Nara.
Ayon sa korte, rerepasuhin ng Osaka High Court ang kanyang kaso upang alamin kung may magiging pagbabago sa naging hatol kasunod ng inihaing apela.






















