Ipapatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 21 ride-hailing apps na umano’y sangkot sa iligal na on-boarding scheme sa operasyon ng TNVS.
Layunin ng LTFRB na imbestigahan ang naturang sistema at tiyaking sumusunod ang mga kumpanya sa umiiral na regulasyon sa transport network vehicle service.






















