Back

Lea Ylagan

3:16
Crime & Investigation

PNP, nagbabala sa pagbili at paggamit ng sigarilyong “Tuklaw”

August 15, 2025 1:20 PM
PST

Nagbabala ang pamunuan ng Philippine National Police laban sa pagbili at paggamit ng sigarilyong kilala sa lokal na tawag na “Tuklaw” matapos kumalat sa social media ang mga ulat tungkol sa masamang epekto nito.

Ayon kay PNP Chief Gen. Torre, bukod sa panganib na dulot ng naturang produkto, tinawag din niyang “pangit” ang mga adik na patuloy na gumagamit ng bawal na bisyo.

4:20
Crime & Investigation

Affidavit ng 12 witnesses sa missing sabungeros, nawawala; affidavit, hindi umano isinumite ng CIDG

August 15, 2025 1:19 PM
PST

Hindi umano isinumite ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Department of Justice ang affidavit ng 12 witness sa kaso ng missing sabungeros.

Ayon sa abogado ng isa sa mga akusadong pulis, tanging affidavit lamang ng mga kaanak ng biktima at ng whistleblower na si Julie Patidongan ang hawak ng DOJ na siyang pinagbabasehan ng imbestigasyon.

1:33
Crime & Investigation

Crime incidents sa bansa bumaba ngayong taon ayon PNP

August 15, 2025 1:19 PM
PST

Bumaba ang crime incidents sa bansa ngayong taon kumpara noong nakaraang taon base sa datos ng Philippine National Police. 7.75% o nasa 15,000 ang nabawas sa kaso ng krimen ngayong taon.

4:02
Politics

5-min response time ng Philippine National Police, pinuri ni PBBM

August 15, 2025 1:19 PM
PST

Nasa right track ang pambansang pulisya sa pagsasagawa ng 5-minute response time, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa ng Pangulo, masusukat ang pagiging epektibo ng Philippine National Police hindi sa mga datos ng pagbaba ng krimen kundi sa kaligtasan ng publiko at kung nararamdaman nila ito sa mga lansangan.

2:08
No items found.

Gen. Torre, ipinagmalaki kay PBBM ang 5-minute response ng PNP

August 14, 2025 8:24 PM
PST

Ipinagdiriwang ngayon ng Philippine National Police ang ika-124 anibersaryo ng police service kung saan ipinakita ni PNP Chief General Nicolas Torre II kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung paano nag-o-operate ang 911 hotline.

Ayon sa hepe ng pambansang pulisya, nagagawa ng mga rumespondeng pulis ang 5-minute response, subalit nagkakaroon ng problema sa komunikasyon dahil sa mabagal na internet connection sa ilang lugar sa bansa.