
Humarap sa pagsubok ang Philippine National Police noong nagdaang linggo matapos ipa-recall ng National Police Commission ang appointment ng ilang opisyal.
Gayunman, tiniyak ng pamunuan ng PNP na naresolba na ang naturang isyu.

Ipinare-recall ng National Police Commission ang ilang opisyal na itinalaga sa puwesto ni Philippine National Police Chief PGen. Nicolas Torre III.
Batay sa resolution no. 2025-0531 na nakuha ng UNTV, inatasan ang PNP na bawiin ang assignment ng ilang third level officer na itinalaga ni Gen. Torre.

Inamin ni Philippine National Police Chief PGen. Nicolas Torre III na humarap sa pagsubok ang pambansang pulisya noong nakaraang araw.
Gayunman, sinabi ng opisyal na nalampasan ito ng PNP dahil sa kanilang pagkakaisa.

Tinawag na guni-guni ni Police Brigadier Gen. Romeo Macapaz ang mga bintang nang magkapatid na Patidongan laban sa kanya.
Ito ang reaksyon ng heneral matapos na sampahan ng reklamong administratibo nina Julie at Elakim Patidongan sa National Police Commission kahapon.

Dumulog sa National Police Commission ang magkapatid na si Julie at Elakim Patidongan.
Ito'y upang sampahan ng reklamong administratibo si dating Criminal Investigation and Detection Group Director PBGen. Romeo Macapaz at dalawang iba pa.