
Sinampahan ng reklamong administratibo ng 5 tauhan ng PNP Highway Patrol Group ang kanilang immediate superior dahil sa pagbibigay ng VIP treatment sa nahuli nilang indibidwal.
Ayon kay Police Senior Master Sergeant Aladin Orale, tumanggap din umano ng suhol si Police Col. Rommel Estolano mula sa naaresto nilang suspek.

Ipinatatanggal na ng pamunuan ng Northern Police District ang mga kulungan sa mga Police Substation sa Caloocan City.
Ito'y upang hindi na maulit ang nangyari kay Jason dela Rosa at sa kaniyang anak na ikinulong ng mga pulis dahil sa umano’y gawa-gawang kaso.

Nakarating na sa Philippine National Police-Highway Patrol Group ang ulat tungkol sa mga indibidwal na nagpapanggap na force multipliers ng HPG.
Ayon sa impormasyon, naniningil pa umano ang mga ito ng membership fee at gumagamit ng insignia.
Dahil dito, plano nang sampahan ng kaso ng PNP-HPG ang mga nasa likod ng panlilinlang.

Tututukan ng Philippine National Police ang nangyayaring recruitment ng New People’s Army sa mga eskwelahan.
Ito’y bilang bahagi ng isinasagawang pagbabantay sa seguridad sa loob at labas ng mga paaralan.

Binatikos ng Philippine National Police ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pagpapakalat ng pekeng balita.
Ayon kay PNP Chief General Nicolas Torre III, lumabas sa imbestigasyon na karamihan sa mga video ng karahasan na ibinabahagi ng DDS vloggers at trolls ay mula sa ibang bansa ngunit pinalalabas na nangyari sa Pilipinas.