Ipinagdiriwang ngayon ng Philippine National Police ang ika-124 anibersaryo ng police service kung saan ipinakita ni PNP Chief General Nicolas Torre II kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung paano nag-o-operate ang 911 hotline.
Ayon sa hepe ng pambansang pulisya, nagagawa ng mga rumespondeng pulis ang 5-minute response, subalit nagkakaroon ng problema sa komunikasyon dahil sa mabagal na internet connection sa ilang lugar sa bansa.