Nasa right track ang pambansang pulisya sa pagsasagawa ng 5-minute response time, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dagdag pa ng Pangulo, masusukat ang pagiging epektibo ng Philippine National Police hindi sa mga datos ng pagbaba ng krimen kundi sa kaligtasan ng publiko at kung nararamdaman nila ito sa mga lansangan.