
Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagpanaw sa bus ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Wilma Auza.
Ayon sa OWWA, pauwi na sana sa Dumaguete ang OFW subalit pumanaw s'ya dahil sa cardiac arrest.

Aminado ang Department of Transportation na napabayaan ang maintenance ng mga tren sa mga nagdaang taon kaya dumami ang mga problema nito.
Ang pahayag ay kasunod ng pagpuna ng dating Commission on Audit Commissioner sa mga problema sa LRT-2.

Tila naging “Duterte Senate” ang Senado kagabi matapos nitong ilagay sa archive ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ayon kay Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña.
Pagtalikod aniya sa mandato at pagtataksil sa konstitusyon at sa mamamayan ang ginawa ng Mataas na Kapulungan.

Tumugon ang Department of Transportation (DOTr) sa open letter ni dating COA Commissioner Heidi Mendoza tungkol sa mga isyu sa LRT.
Inisa-isa ng ahensya ang mga problema at inilatag ang mga hakbang sa pagtugon sa mga reklamo gaya ng kakulangan ng beep cards, sirang vending machines, at mabagal na pila para sa mga senior citizen.

Inilagay ng Land transportation Office o LTO sa alarma ang isang SUV na sangkot sa isang insidente ng hit-and-run, noong July 11 sa Commonwealth Avenue.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, natukoy na nila kung sino ang may-ari ng SUV at napadalhan na ito ng show cause order.