
Nakamit ng defending champion na Senate Sentinels ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagpapatuloy ng Executive Face Off ng UNTV Cup, matapos ang kamangha-manghang laro ni Sen. Bong Go na nagtala ng 31 puntos.
Samantala, tinuldukan ng GSIS Furies ang walang talong kartada ng Ombudsman Graft Busters.
Sa isa pang mainit na sagupaan, nakaligtas sa dikit na laban ang Executive Branch Commanders laban sa BIR Nation Builders.

Naghahanda na ang Office of the Vice President sa posibilidad na muling mabawasan ang kanilang hinihinging budget para sa taong 2026.Nakahanda din aniya ang kanyang kampo na sagutin anumang oras sa tamang forum ang paggamit ng kanyang confidential funds.Tinawag naman niyang walang basehang akusasyon ang umano'y hindi niya pagganap sa kanyang tungkulin.

Inaasahang masisimulan na sa buwan ng Oktubre ang rehabilitasyon ng 4 na EDSA Busway station kung saan ihahalintulad ito sa modernong disenyo na nasa bahagi ng North Avenue ayon sa Department of Transportation.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, inaasahan na masisimulan sa buwan ng Oktubre ang pagsasaayos ng Monumento, Bagong Barrio, North Avenue, at Guadalupe Busway Stations bilang bahagi ng Phase 1 ng proyekto.

Nakumpleto na ng Land Transportation Office (LTO) ang produksyon ng lahat ng mga backlog sa plaka noong nakaraang buwan ng Hulyo.
Ayon sa LTO, kailangan na lang nilang mai-distribute ang nasa 7.5 million na mga plaka upang maabot ang target na dapat sa October 31 ang lahat ng mga sasakyan at motorsiklo sa bansa ay may plaka na.

Nananatiling undefeated at nangunguna sa Group B ang Ombudsman Graftbusters matapos ang matinding laban kontra Judiciary Magis nitong Miyerkules.
Samantala, bigo pa ring makuha ng PhilHealth Health Insurers at Agriculture Kadiwa Warriors ang kanilang unang panalo sa elimination round.