
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Government Optimization Act o Republic Act 12231 na nagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo para magsagawa ng reorganization o streamlining sa mga ahensya ng gobyerno.
Sa ilalim ng batas na prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC, maaaring palakasin, pagsamahin, o tanggalin ng pangulo ang isang ahensya o function nito.

Muling binigyang diin ng India ang pakikiisa nito sa Pilipinas pagdating sa kapayapaan at seguridad sa karagatan ng Indo-Pacific region.
Tinawag ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang relasyon ng dalawang bansa na "friends by choice, and partners by destiny".

Mas tumitindi ang bakbakan sa hardcourt ng mga koponan sa UNTV Cup Executive Face Off 2025.
Pinagana ng PNP Responders ang kanilang do-or-die play mindset para ipanalo ang laban kontra sa NHA Home Masters.
Ang defending champion naman na Senate Sentinels, nag-bounce back mula sa 16-point deficit kontra sa GSIS Furies upang maitala ang kanilang unang panalo.
Habang ang AFP Cavaliers, tinambakan ng 38 points ang Executive Branch Commanders para manatiling undefeated sa liga.

Mas tumitindi ang bakbakan sa hard court ng mga koponan sa UNTV Cup Executive Face Off 2025.Isa sa mga highlights ng nagdaang games ay ang ‘outstanding performance’ ni Sen. Joel Villanueva para sa Senate Sentinels.
Nag-bounce back ang koponan mula sa 16-point deficit kontra sa GSIS Furies upang maitala ang kanilang unang panalo.

Nagbuga ng nasa 6 na kilometrong taas ng abo ang Krasheninnikov Volcano sa Kamchatka, Russia.
Posibleng naapektuhan ng nagdaang 8.8 magnitude na lindol sa kalapit na lugar noong nakaraang linggo ang bulkan kaya muli itong sumabog.