
Isiniwalat ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na manipulado o ‘luto’ ang bidding para sa flood control projects ng pamahalaan.
Ang mga district engineers naman ay nagsisilbi umanong tagahatid ng pera sa mga pulitiko.

Sumagot si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga pahayag ni Atty. Claire Castro kaugnay ng umano’y iregularidad sa ilang proyekto ng ilang mambabatas.
Giit ni Magalong, hindi siya dapat ituring na kalaban at mas mainam kung isang independent investigating body ang magsiyasat sa mga isyu upang mapanatili ang integridad ng imbestigasyon.

Iginiit ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ilang tiwaling mambabatas ang nasa likod ng mga overpriced at mababang kalidad na infrastructure project sa bansa.
Kabilang dito ang flood control at embankment projects na umano’y sinasadya ang pandaraya upang kumita nang malaki mula sa mga kontrata.

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang i-anunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkol sa imbestigasyon sa flood control projects sa bansa.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, may listahan siya ng mga pangalan ng mga kongresista na umano’y sangkot sa isyu.

Inihayag ng isang opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) na mas tumitindi ang banta ng mga paparating na kalamidad.
Sa kabila ito ng patuloy na paghahanda ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pagtugon sa mga sakuna.