
Nanindigan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa kanyang pahayag na nakakukuha umano ng kickback ang ilang kongresista sa mga infrastructure projects kabilang na ang flood control.
Sinabi rin ng alkalde na handa rin siya magpresinta ng ebidensya at manguna sa imbestigasyon.

Matinding salita ang binitiwan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong laban sa mga umano’y tiwali sa pamahalaan.
Ito ay matapos siyang hamunin ni House Public Accounts Committee Chairperson at Bicol Saro Rep. Terry Ridon na maglabas ng ebidensya sa kaniyang mga paratang ng korupsyon sa infrastructure projects ng gobyerno.

Matapos ang magkakasunod na pananalasa ng bagyo at pinalakas na habagat, isinailalim na sa state of calamity ang mga bayan ng Tuba at La Trinidad sa lalawigan ng Benguet.
Nasa 105 pamilya mula sa 13 barangay ang apektado ng pinsala ng kalamidad habang nasa P22.8 milyon ang infrastructure at agricultural damage.

Pabor si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang flood control projects ng pamahalaan sa nakalipas na 3 taon.
Pero ayon sa alkalde na kabilang sa grupo ng mga opisyal na nagsusulong ng good governance sa mga lokal na pamahalaan, hindi lang flood control projects ang dapat silipin, kundi pati na rin ang iba pang proyektong pinopondohan ng gobyerno.

Isang kakaibang karanasan ang hatid ng isang pasyalan sa Benguet.
Sa kauna-unahang pagkakataon, may glass walkway na binuksan sa Cordillera – matatagpuan ito sa Itogon, Benguet, at dinarayo ngayon ng nature lovers at adventure seekers.