Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang i-anunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkol sa imbestigasyon sa flood control projects sa bansa.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, may listahan siya ng mga pangalan ng mga kongresista na umano’y sangkot sa isyu.