
Dumepensa naman ang isang opisyal ng DPWH Cordillera matapos na tawagin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “complete zero” at “notorious sa corruption” ang rock netting project sa Kennon Road, matapos personal niyang inspeksyunin ang rockshed sa Camp 6 kahapon.

Sa halip na maprotektahan ang mga kalsada at komunidad, nasira at nabigo ang P260-M rock shed project sa Kennon Road sa Tuba, Benguet.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, matapos magsagawa ng inspeksyon sa lugar.

Matapang na iginiit ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hindi siya hihingi ng tawad sa mga panawagan na mag-public apology.
Giit ng alkalde, hindi siya ang dapat magpaliwanag kundi ang ilang kongresista na umano’y sangkot sa katiwalian.

Muling iginiit ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kaniyang panawagan na isailalim sa isang independent o third-party investigation ang mga anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects.

Parami nang parami ang ebidensyang hawak ng grupo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay ng umano’y katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan.
Ayon sa alkalde, mainam na busisiin din ng Commission on Audit ang mga kontrata ng naturang proyekto upang masuri nang masinsinan ang mga iregularidad.