Back

Benedict Samson

3:17
No items found.

Illegal vendors sa may footbridge sa Taft Avenue, pinaalis ng DOTr at MMDA

February 17, 2026 1:41 PM
PST

Pinaalis kaninang umaga ng Department of Transportation kasama ang Metropolitan Manila Development Authority ang mga illegal vendor na nakaharang sa footbridge sa Taft Avenue sa Pasay City.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, hindi nararapat na nahaharangan ang daanan ng mga pasahero.

5:02
Politics

Manila LGU, umapela sa DPWH na itigil ang pagtatayo ng pumping station

August 14, 2025 8:24 PM
PST

Umapela si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na itigil na ang pagtatayo ng mga pumping station sa lungsod. Giit ng alkalde, hindi umano ito nakatutulong sa pagpapahupa ng baha sa Maynila.

Hiniling din ng lokal na pamahalaan na alisin ang flood gate na humaharang sa Manila Bay dahil naiipon lamang dito ang tubig at nagpapalala sa pagbaha.

4:10
Politics

Pagsasaayos ng 4 EDSA busway stations, sisimulan sa Oktubre 2025

August 14, 2025 8:25 PM
PST

Target nang masimulan sa Oktubre 2025 ang rehabilitasyon ng apat na EDSA Busway stations na idinisenyong kahalintulad ng istasyon sa bahagi ng SM North Avenue.

Samantala, natapos na ng Quezon City LGU ang elevated bike lane sa Elliptical Road upang matiyak ang mas ligtas na biyahe para sa mga siklista na hindi na makikihalo sa daloy ng trapiko.

2:04
Crime & Investigation

DOJ, handang ipadala abroad ang mga butong nakuha sa Taal lake para makuhanan ng DNA samples

August 14, 2025 8:26 PM
PST

Nakahanda ang Department of Justice na ipadala sa ibang bansa ang mga buto na nakuha ng Philippine Coast Guard sa mga isinagawang diving operation sa Taal lake.

Ito ang tugon ng kagawaran, dahil may mga butong hindi makuhanan ng DNA profile dahil sa matagal nang pagkakababad sa tubig.

5:44
Crime & Investigation

2 kapatid ni Julie Patindongan, itinuturing ng DOJ na reliable witness sa kaso ng missing sabungeros

August 14, 2025 8:26 PM
PST

Itinuturing ng Department of Justice na reliable witness sina Elakim at Jose Patidongan, kapatid ng whistle blower na si Julie Patidongan alyas Totoy sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, isa sa mga ito ang umano’y nakasaksi sa pagpatay sa sampung tao.