Umapela si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na itigil na ang pagtatayo ng mga pumping station sa lungsod. Giit ng alkalde, hindi umano ito nakatutulong sa pagpapahupa ng baha sa Maynila.
Hiniling din ng lokal na pamahalaan na alisin ang flood gate na humaharang sa Manila Bay dahil naiipon lamang dito ang tubig at nagpapalala sa pagbaha.