Isinasagawa ngayon ng Office of the Ombudsman ang strategic planning conference upang pag-usapan ang iba't ibang paksa pagdating sa pagsugpo ng korapsyon sa bansa.
Ayon kay Atty. Kirbee Tibayan ng United Nations Office on Drugs and Crime, isa sa mga mahirap mahuli ay ang mga personalidad na gumagamit ng organized crime dahil sa dami ng taong kabilang dito.






















