Back

Benedict Samson

1:38
Crime & Investigation

Pamilya ng missing sabungeros, magsasampa ng kaso vs Atong Ang

August 14, 2025 8:26 PM
PST

Nakatakdang magsampa ng kaso sa Department of Justice ngayong araw ang kaanak ng mga nawawalang sabungero laban sa businessman na si Atong Ang.

Nagtungo rin sa tanggapan ng Department of Justice ang whistleblower na si Julie Patidongan.

4:00
No items found.

Cashless payment sa tren, sinimulan na; DOTr, target isakatuparan sa lahat ng linya

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Sinimulan na ngayong umaga ang pilot testing ng cashless payment system sa mga istasyon ng MRT Line 3, kung saan pwede nang magbayad ang mga pasahero gamit ang debit card, credit card, o e-wallet.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), kasalukuyan na rin nilang inaayos ang paglalagay ng kaparehong sistema sa lahat ng istasyon ng LRT Line 1 at 2 upang gawing mas mabilis at maginhawa ang pagbabayad.

Samantala, inanunsiyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maaari nang magamit ng publiko ang libreng Wi-Fi sa lahat ng istasyon ng MRT-3.

3:14
No items found.

Plywood at tipak ng bato, nakuha sa drainage sa bahagi ng MRT 7 Batasan Station

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Nagsagawa ng inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority sa MRT Line 7 Batasan Station kaninang umaga para alamin ang posibleng dahilan ng pagbaha sa lugar.

Sa isinagawang declogging operation ng MMDA, nakuha mula sa drainage ang plywood at malalaking tipak ng bato.

Inaasahan namang sisimulan na bukas, July 24, ang pagpapalawak ng inlet ng drainage sa lugar sa sukat na 3 meters by 3 meters.

5:04
Weather & Environment

UNTV News and Rescue, tumulong sa paglikas at paghatid ng relief sa mga binahang residente

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Tumulong ang UNTV News and Rescue sa mga residenteng apektado ng patuloy na hanging habagat.

Kabilang sa kanilang naging suporta ang paglikas sa mga pamilyang binaha, pamamahagi ng relief goods, at pagbibigay ng iba pang serbisyo.

4:04
No items found.

Search and retrieval ops sa Taal Lake, pansamantalang sinuspinde dahil sa sama ng panahon

August 14, 2025 8:27 PM
PST

Dahil sa masamang panahon, pansamantalang itinigil ng Philippine Coast Guard ang isinasagawang search and retrieval operation sa Taal Lake.

Layon ng operasyon na mahanap ang labi ng mga nawawalang sabungero na umano’y itinapon sa lawa.