
Naniniwala si Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na sinusubukang gawing "normal" ng China ang presensya ng kanilang mga barko sa West Philippine Sea.
Kaugnay ito sa 4 na barko ng Chinese Coast Guard at 1Chinese research vessel na nasa paligid ng Bajo de Masinloc.

Sinimulan na ng Department of Transportation ang konstruksyon ng bagong tulay sa Kamuning, EDSA.
Batay sa plano ng DOTr, iko-konekta ito sa EDSA Busway.
Tinatarget ng kagawaran na matapos ang proyekto sa Disyembre.

Inaasahang makukumpleto sa susunod na linggo ang nasa 300,000 na kakulangan ng beep cards na ginagamit sa mga istasyon ng tren upang mapabilis ang pila sa mga train station.
Kahapon ay sinimulan nang i-deliver ang mga beep card sa mga vending machine na nakalagay sa mga istasyon ng tren.
Sa susunod na buwan ay ilulunsad na ng Department of Transportation ang beep card na awtomatikong may 50% discount para sa mga estudyante, senior citizen at person with disability.

Pinag-aaralan ng Department of Transportation ang suhestiyon ng isang grupo ng kabataan na i-link ang digital beep at discount sa beep card ng mga pasaherong may karapatang tumanggap ng diskwento.
Layunin nitong tugunan ang kakulangan sa suplay ng beep card, na kasalukuyang hindi mabili sa mga vending machine sa ilang istasyon ng tren.

Problema pa rin ang mahabang pila sa mga train station sa Metro Manila, lalo na para sa mga nais mag-avail ng 50% discount sa pamasahe.
Kaya nag-iisip na ng mga paraan ang Department of Transportation upang masolusyunan ito.