Pinag-aaralan ng Department of Transportation ang suhestiyon ng isang grupo ng kabataan na i-link ang digital beep at discount sa beep card ng mga pasaherong may karapatang tumanggap ng diskwento.
Layunin nitong tugunan ang kakulangan sa suplay ng beep card, na kasalukuyang hindi mabili sa mga vending machine sa ilang istasyon ng tren.