
Pinabulaanan ng Philippine Navy ang kumakalat na balita na umano'y pagsasagawa ng reclamation at pagtatapon ng corals sa Hasa-Hasa Shoal.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, matagal na ito at bunga na rin ng natural events na nangyayari sa lugar.

Nagtungo na kanina sa St. Gerrard Construction compound ang Bureau of Customs upang inspeksyunin ang mga sasakyang pag-aari nina Curlee at Sarah Discaya, ang mag-asawang nakakuha umano ng maraming flood control projects ng pamahalaan.
Ngunit 3 lamang sa 12 luxury vehicles na nakasaad sa dala nilang search warrant ang naabutan sa garahe ng mga ito.
Nagbabala naman ang BOC na ipakukumpiska ang mga mamahaling sasakyan ng mag-asawa kung hindi nila ilalabas ang mga ito.

Pwede nang ma-enjoy ng mga bata ang physical activity sa KDR Adventure Camp sa Orani, Bataan.
Ngayong taon, itinampok ang bagong Titans Junior kung saan maaari na ring maranasan ng mga bata ang iba’t ibang obstacle course sa KDRAC.

Naniniwala si Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na pinag-aaway lang sila ni dating PNP chief PGen. Nicolas Torre III dahil sa kumakalat na fake news sa social media patungkol sa pagbili ng armas ng PNP.
Samantala, sinabi rin ng kalihim na lagi silang nakabatay sa National Expenditures Program at hindi siya basta-bastang pumipirma lalo na sa ini-insert na budget sa mga ahensiyang nasa ilalim ng DILG.

Sa gitna ng isyu sa umano’y maanomalyang flood control at infrastructure projects, isang panukalang batas ang planong isulong ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tatawaging Open Infra Bill.