
Inatasan na ni National Bureau of Investigation Dir. Jaime Santiago ang mga NBI regional director na magsagawa ng imbestigasyon sa mga flood control project.
Ayon kay Santiago, ito ay upang may maihanda na silang dokumento sakaling atasan sila ng pamahalaan na magsagawa ng imbestigasyon lalo na sa mga lugar na binisita ni PBBM.

Inanunsyo ng bagong liderato ng Department of Transportation na itutuloy pa rin niya ang mga ginawang pamamalakad ni dating DoTr Secretary Vince Dizon kabilang na ang mahigpit nitong pagdidisiplina sa mga pasaway na driver.

Handa si Pasig City Mayor Vico Sotto na tumestigo sakaling ipatawag siya ng Senado hinggil sa isinasagawa nitong imbestigasyon kaugnay sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Iginiit din ng alkalde na hindi dapat mamatay na lamang ang isyu nang walang napapanagot na mga taong sangkot sa korupsyon.

Pwede nang ma-enjoy ng mga bata ang physical activity sa KDR Adventure Camp sa Orani, Bataan.
Ngayong taon, itinampok ang bagong Titans Junior kung saan maaari na ring maranasan ng mga bata ang iba't ibang obstacle course sa KDRAC.

Pormal nang naisalin kaninang umaga ni Secretary Vince Dizon kay Acting Secretary Giovanni Lopez ang pamamahala sa Department of Transportation.
Tiniyak naman ng bagong liderato ng ahensya na ipagpapatuloy niya ang mga napasimulang pagbabago ni Secretary Dizon sa sektor ng transportasyon.