Handa si Pasig City Mayor Vico Sotto na tumestigo sakaling ipatawag siya ng Senado hinggil sa isinasagawa nitong imbestigasyon kaugnay sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Iginiit din ng alkalde na hindi dapat mamatay na lamang ang isyu nang walang napapanagot na mga taong sangkot sa korupsyon.