
Inanunsyo ni MMDA Chairman Romando Artes na bumababa na ang bilang ng NCAP violators sa Metro Manila.
Samantala, idineploy na rin kanina ng MMDA ang nasa 100 miyembro ng Swift Traffic Action Group o S-TAG na may body-worn camera na mag-iikot sa mga pangunahing kalsada at Mabuhay lanes sa Metro Manila bilang alternatibong paraan sa No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Iginiit ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na kakailanganin nila ang tulong ng independent commission para sa mga gagawing pag-iimbestiga laban sa maanomalyang flood control project.
Sa kabila nito, tuloy-tuloy naman ang ocular inspection na isinasagawa ng kalihim sa mga flood control projects ng gobyerno.

Naghain ng reklamo ang Commission on Audit at Department of Public Works and Highways laban sa tatlong contractor at DPWH engineers na umano’y sangkot sa maanomalyang flood control project.
Samantala, tiniyak naman ni DPWH Secretary Vince Dizon na lilinisin nila ang kagawaran upang maalis ang mga tiwaling empleyado.

Halos sunod-sunod na pag-ulan na ang nararanasan sa bansa na minsan aynagreresulta sa mataas na lebel ng tubig baha.
Kaya naman alamin ang mga dapat gawin kung sakaling malubog sa baha ang isang sasakyan.

Nakatakdang magsampa ng panibagong reklamong kriminal at administratibo sa Ombudsman ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Bukod kay Guo, kasama rin sa sasampahan ng reklamo ang nasa 35 na iba pang lokal na opisyal na iniuugnay sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).