
Nais ng administrasyon na papanagutin ang mga may sala at ibalik ang pera ng taumbayan mula sa mga mapatutunayang sangkot sa korapsyon sa maanomalyang proyekto ng gobyerno.
Samantala, inihahanda na ng DPWH ang panibagong reklamo laban sa mga tiwaling kawani ng ahensya at contractors sa flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Unti-unti nang nagsisidatingan sa Ortigas ang mga raliyista na makikiisa sa isinasagawang Black Friday protest ngayong araw. Wakasan ang kurapsyon at pagsama sa pagkilos. Ito ang sinisigaw ng mga lumahok sa kilos protesta na isinasagawa ng mga taga-suporta ni FPRRD.

Inaasahang ilalabas ng DPWH ngayong araw ang dismissal order laban sa mga dating opisyal ng departamento na sina Asst. District Engr. Brice Hernandez at Construction Section Chief Engr. Jaypee Mendoza dahil sa umanoy katiwaliang kinasasangkutan nila sa flood control project sa Bulacan.
Samantala sa susunod na linggo ay makikipagpulong ang kalihim sa Anti-Money Laundering Council para sa pag-freeze ng mga bank account at sa pag-forfeit ng mga ari-arian ng mga isinasangkot sa flood control anomaly.

Tatanggalin agad sa puwesto ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang sinomang kawani o opisyal sa departamento na masasangkot sa katiwalian lalo na sa anomalya sa flood control project na ngayon ay iniisa-isa nang imbestigahan.
Samantala, ayon naman kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, posibleng ngayong araw ilabas ang freeze order sa accounts ng nasa 20 opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office at 4 na contractor na sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman kanina.

Naghain ng reklamo si Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa Office of the Ombudsman laban sa 20 DPWH officials mula sa Bulacan 1st District Engineering Office at 4 na contractor na sangkot sa maanomalyang flood control projects.